62

Sep 2, 2020 @ 22:14
By

Jennylyn nag-react sa ‘inanakan lang’ comment

Rumescue si Jennylyn Mercado para sa mga kapwa niya single mother matapos isang netizen ang tumawag sa kanila na mga “babaeng inanakan lang”.

“Respeto naman sa mga babaeng inanakan lang!” sabi ng netizen na may Twitter username na @iamtof25.

Sagot ni Jennylyn, ang maagang pagkakaroon ng anak ay hindi nakakabawas ng pagkababae bagkus ay nagpapalakas pa ito ng pagkatao dahil mahirap maging nanay at tatay nang sabay.

“To all the single moms out there, Never let comments like this get to you. Having a kid early doesn’t make you less of a woman. In fact it’s the opposite. Being a single parent made us stronger than ever. Mahirap maging nanay at tatay ng ating (mga) anak pero kinakaya natin,” tweet ni Jennylyn.

“And for those people na minamaliit pa rin kami hanggang ngayon, I feel so sorry for you. Lahat ng mga kritisismo sa pagkatao namin nasabi na samin, and yet here we are. Raising our kid(s) the best we can. Whatever you say, You can and will never bring a strong woman down,” dagdag niya.

Si Jennylyn ay may anak sa dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?