268

Jul 4, 2019 @ 22:21
By

Jennylyn muntik mabulag dahil sa glaucoma

Dumanas ng glaucoma si Kapuso actress Jennylyn Mercado noong 30-anyos siya.

Nawala umano ang 40 percent ng kanyang paningin dahil sa glaucoma.

Niresetahan aniya siya ng doktor ng eye drops para hindi na lumala ang kayang glaucoma pero sobrang sakit umano ‘yung drops sa kanyang mata at masama ang epekto sa kanya.

Kailangan din umano na magpa-check kada buwan kasi titingnan kung pabulag na siya o lumiliit ba ‘yung vision niya.

Dahil dito, nagdesisyon ang 32-anyos na ngayong si Jen na mag-try ng acupuncture.

Noong panahon na iyon, nawala na ang 60 percent ng kanyang eyesight.

“Madalas ako makabangga ng pinto. Hindi ko nakikita, e,” aniya sa PEP report.

Matapos umano ang isang taon ng acupuncture, naging normal na ang kanyang paningin, balik sa 100 percent vision.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?