50

By

Jennylyn Mercado, ginawang prostitute

Sharing is caring!

Panibagong uplifting story handog ng GMA Network ang inspirational anthology nilang “Stories for the Soul”. And this time, malaking challenge ang role na ito sa Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Para sa second episode nila this Sunday (November 26), ipi-feature nila kung paano nalagpasan ng isang babae ang human judgment through God’s grace, na inspired by Mary Magdalene.

Si Jennylyn nga ang gaganap bilang si Lena, a model student who had big dreams, pero napilitang pumasok sa mundo ng prostitution when her mother Viring (Elizabeth Oropesa) got sick.

In her dedication to pay for her mother’s medical expenses, take care of her brother Popoy (Jacob Briz) at makapagtapos din siya ng pag-aaral at the same time, itinago niya ang trabaho niya sa lahat. Gusto talaga niyang magkaroon ng diploma to be able to get a good job.

However, wala ngang lihim na hindi nabubunyag. Nalaman ang kanyang itinatago, at lahat ng mga naiinggit sa kanyang classmates niya ay gumawa ng paraan para ma-expelled siya sa school.

How will Lena face this challenge in her life? Will she be able to finish school and get her diploma? Will she be able to forgive her father Henry (Julio Diaz) who has caused her so much pain and suffering?

Together with its story presenter Sen. Manny Pacquiao, find out what happens in “Stories for the Soul” this Sunday, 11:35PM, after “Bossing and Ai” on GMA Sunday Grande.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?