284

By

Jennylyn kumikinang ang mga mata dahil sa boylet

Sharing is caring!

Hindi lang daw lovelife ang nagpapa-bloom kay Jennylyn Mercado lately. Kitang-kita kasi sa kanyang mga mata na very inspired siya sa tuwing nagkukwento tungkol sa unico hijo niyang si Jazz.

Isa nga rito ay ang pinakabago nilang kinahihiligan ngayong hindi pa tapos ang bakasyon —a ng pagsi-swimming. Masayang ibinahagi ni Jen na isa raw itong exercise kay Jazz na talagang nae-enjoy niya everyday. Masaya ang Kapuso star para sa anak dahil nakikita raw niyang tawa ito nang tawa kapag nasa tubig.

Dagdag pa ni Jen, nakakatulong din daw ang kanyang pagiging ina kay Jazz sa kanyang role sa The Cure dahil tulad niya, isa ring nanay si Charity. At ngayong hiwalay na sila ni Greg (Tom Rodriguez) sa nasabing GMA series, paano na kaya gagawin ni Charity na ipaglaban ang kanyang anak na si Hope (Leanne Bautista)? Abangan ‘yan sa The Cure gabi-gabi sa GMA! ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?