13

Jul 19, 2020 @ 14:28
By

Jennylyn kay Roque: Konting sensitivity naman po sana!

Hindi lang basta numero ang mga Pinoy na namatay dahil sa COVID-19.

Giit ito ni Jennylyn Mercado kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pinagtanggol kasi ng huli ang COVID-19 response ng gobyerno nang malampasan ng nationwide tally ang prediksiyon ng mga UP researcher kahit pa hindi pa dulo ng buwan.

“It’s working. Because if we didn’t take steps, then millions would have fallen sick from COVID-19 like what UP initially predicted. It’s working, because only a small number died from the disease,” wika ni Roque, Biyernes.

Sinabi ito ng opisyal matapos pumalo sa 63,001 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus sa ‘Pinas nitong Biyernes, Hulyo 17.

Nalampasan nito ang prediksiyon ng UP OCTA Research na magkakaroon ng 60,000 hanggang 70,000 coronavirus case sa bansa sa katapusan pa ng Hulyo.

Tugon ng Kapuso actress:

“If you had taken the right steps, libo libong Pilipino ang hindi magkakasakit. Luh. (emoji: face with rolling eyes).”

“Only a small number died? Hindi lang sila numero. Madaming pamilya ang nawalan ng mga mahal sa buhay. Kotning sensitivity naman po sana,” aniya pa sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?