204

By

Jennylyn hubad na hubad sa lampungan kay Derek Ramsay

Sharing is caring!

Sa kabila ng ilang beses na rin na nakipag-kissing scene, bed scene si Jennylyn Mercado, para raw sa kanya, ang 2017 MMFF movie at balik-tambalan nila ni Derek Ramsay na ‘All Of You’ ang pinaka-daring na ginawa na niya in-terms of love scene.

“Grabe! Para sa akin ito ang pinaka-daring na nagawa ko.”

May apat o lima raw sigurong love scenes sila ni Derek sa movie.

Sey pa niya, “Kailangan talagang gawin ‘yun. Lumabas naman nang tama. Kasi baka mamaya kapag napanood ng mga tao, daotin naman kami na parang ilang na ilang.”

‘Yung wala raw siyang anumang pang-itaas ang isa sa maituturing niyang todo na niyang ginawa sa ‘All Of You’.

Inamin naman ni Jen na silang dalawa ni Dennis Trillo, mas umiiwas na lang silang manood ng mga movies daw nila kapag alam nilang may mga kissing o bed scenes.

Hindi kayang makita ni Dennis?

“Hindi naman, ayaw lang siguro niyang mailang. And siguro ako, ayaw ko rin.”

Natawa naman si Jennylyn nang tanungin ito kung hindi ba siya naiinggit dahil ang daming mga artista o celebrities na engaged o nagpapakasal.

“Bakit naman ako maiinggit? Hahaha! Basta masaya kayo, ‘di ba?”

Sa ngayon daw talaga, wala pa siyang planong magpakasal.

“Wala pa, wala pa po talaga. Kasi unang-una, may anak ako at ang bata pa po ng anak ko.

“Gusto ko pa siyang makasama. At saka, ang dami ko pa rin gustong gawin.

“Huwag kayong mag-alala kapag ikakasal ako, sasabihin ko. Hahaha!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?