82

Dec 18, 2017 @ 19:28
By

Jennylyn-Derek umeksena sa gitna ng trapik

Bago na ang design ng trophy ng 43rd Metro Manila Film Festival kaya siguro naman, this time ay papasa na sa panlasa ng mga nag-criticize sa trophy last year. Nakita na namin at nahawakan ang trophy na dinisenyo ni Mr. Clifford Espinosa, Chief Designer of Espinosa Arts and Design (EADE) at magugustuhan na ito, lalo na ng mga magiging winners.

May name ang trophy ha, ‘Action!’ bilang tribute sa Icons of Philippine Cinema.

Anyway, kanya-kanyang pakulo naman ang mga artistang may entry ngayon sa MMFF 2017. Nandiyang nagsimba sa Baclaran si Coco Martin, ang lead actor/director/producer ng ‘Ang Panday’, nagpalengke tour at siyempre, dinumog na ng mga tao sa mas pinaaga niyang MMFF parade sa Manila.

Gayundin sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay na sa gitna ng traffic, bumaba ng sasakyan at namigay ng donuts sa mga nasa traffic din at para i-promote na rin ang pelikula nilang ‘All Of You’.

For sure, may ibang gimmick din ang iba pang kalahok sa MMFF. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?