365

Oct 16, 2017 @ 16:05

Jennylyn-Derek, nagmumura ang chemistry

Hindi naman nakapagtataka kung smooth daw ang shooting ng pagbabalik-tambalan nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.

Kung ramdam na ramdam na raw ang chemistry ng dalawa nang gawin pa lang nila ang English Only Please, mas lalo pa raw ngayon sa All Of You na pang-MMFF entry ng Quantum Films.

Halos patapos na raw ang shooting nito na ilan sa mga scenes ay sa Taiwan pa.

Mukhang puro movies si Jennylyn ngayon. After raw ng All Of You, posibleng ang susunod naman niyang gawin ay sa Reality Films.

Hindi pa sinasabi kung sino ang makakasama ni Jennylyn at maging ang role ay secret pa raw. Pero ang hint lang, magta-transform ito.

As for teleserye, wala pa raw sinasabi ang GMA-7 na follow-up na nito after ng My Love from the Star kaya posibleng for next year na. (ROSE GARCIA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?