160

Dec 26, 2017 @ 19:28
By

Jennylyn-Derek naagawan ng sinehan nina Vice-Pia-Daniel

Nakakalungkot na makita na nawawalan ng sinehan ang ‘Ang Larawan’ nina Rachel Alejandro, Paulo Avelino at Joanna Ampil. Nabalitaan na nga naming tinanggal na ang ‘Ang Larawan’ sa Trinoma at pinalitan na ito ng Revenger Squad.

Pati nga raw sa SM Baguio ay pinalitan na rin daw ng Revenger nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach ang ‘All of You’ nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado.

Nangako naman daw ang mga sinehang nagtanggal na ibabalik nila ito sa January 1, 2018. Pero tinanggal pa rin at `yun ang malungkot. Kaya dapat na itodo na ang suporta sa mga pelikulang ito.

Dapat na tuloy-tuloy ang suporta sa mga pelikulang ito na parehong naka-A sa CEB, ang ‘Ang Larawan’ at ‘Deadma Walking’, pati ang ‘All of You’ na mukhang makakabawi naman ito pagkatapos ng awards night.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?