15

Sep 12, 2020 @ 14:19

Jennylyn, Dennis nag-donate ng mga alcohol, face mask sa ospital

Bilang pasasalamat sa sakripisyo ng mga health worker ngayong pandemya, hinandugan sila ng magdyowang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ng kahon-kahong mga face mask, face shield at alcohol.

Maliban doon ay nagbigay din ng sulat para sa kanila ang aktres.

“Thank you so much for all the work you’ve been doing. Words can’t express how thankful we all are for you. Without you, this war against [COVID-19] would have been over. We would have been defeated. You gave us a fighting chance. You saved so many lives,” bahagi ng sulat ng aktres para sa mga frontliner na shinare niya sa kanyang Facebook post, Sept. 11.

Ipinadala nina Jennylyn at Dennis ang supplies sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City.

 

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?