35

Jun 23, 2020 @ 17:01

Jennylyn, Dennis maligaya sa 11 anak

Kaloka ang magdyowang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, dahil sangkatutak na pala ang mga alaga nilang pusa, na mga anak kung ituring nila.

Ibinahagi nga nila ‘yon sa kanilang latest vlog. At bongga, dahil iba-iba ang breed ng kanyang feline babies kabilang na ang Scottish Fold na sina Clay at Gray; Scottish Straight na sina Amy, Nate, at Bruce; Siberian na si Sage; British Shorthair na si Bisping; Highland Fold na si Dana; Oriental Shorthair na si Yair; Korean Bobtail na si Jones; at Ragdoll na si Dustin.

Kuwento ni Jen, hindi madali ang mag-alaga ng ganun karaming hayop, ngunit ibang saya naman daw ang hatid nito sa kanya.

“Hindi biro mag-maintain ng ganito karaming alagang pusa, matrabaho at magastos, pero worth it. Ibang saya naman ang ibinibigay ng bawat isa sa kanila,” nakangiting sey ni Jennylyn. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?