1,329

Dec 4, 2017 @ 11:10
By

Jennylyn deadma sa ‘Sex-Sex Lang’ remark

Ang bait lang talaga ni Jennylyn Mercado at hindi pusong-mamon kaya naman kahit may marinig itong hindi magandang comment dedma lang ito.

Napag-usapan kasi sa presscon ng “All of Me” ang tungkol sa posibilidad nang pagpapakasal nila ni Dennis Trillo na ipinagdiinan ng Kapuso star na wala pa talaga sila sa ganong estado.

Hindi raw talaga nila pinaguusapan ni Dennis ang tungkol dito dahil marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya.

Sabi pa nga niya, darating raw ang tamang tao, tamang panahon at pagkakataon pagdating sa kasal, pero hindi pa raw niya nakikita ang sariling magpapakasal kahit kay Dennis.

Nag-dialogue si Jennylyn na “enjoy, enjoy lang”, na ang tinutukoy niya ay ang relasyon nila ni Dennis.

Biglang may nag-comment na writer sa group interview namin at sinabing “ano yan, sex-sex lang?”

Malakas ang pagkakasabi ng writer na narinig ni Jennylyn. Kahit kami ay nagulat sa komento kahit pabiro lang.

Tumahimik nang dalawang segundo sa interview at napangiti lang si Jennylyn na parang hindi niya narinig ang “sex-sex lang” reaction.

Pabiro kaming nag-react nang, “grabe naman yan!” patungkol sa comment ng writer na tumawa naman sa sinabi niya.

Patay-malisyang nagtuluy-tuloy ang interview na parang wala lang at dumaan lang ang medyo awkward na comment ng writer.

Naku, kung ibang artista lang yan at medyo wala sa mood baka nag-pasaring na or nagtaray na, and worse baka tumayo na ito at nagwalk-out.

Kung sabagay, pasok rin naman kasi sa theme ng lalabas nilang movie ni Derek Ramsay sa MMFF2017 ngayong December 25, ang “All of You” ang tungkol sa usaping sex. Dahil sa story line, nagkakilala lang sina Derek at Jennylyn na humantong agad sa sex.

Huwag lang talaga ang anak ni Jennylyn ang gagawan nang isyu o makakarinig ng komento dahil baka lumabas ang pangil nito sa imbiyerna,.

Anyways, bumilib kami kay Jennylyn sa paraan nang pag-handle niya nang ganong remarks mula sa media. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?