1,121

Dec 13, 2017 @ 16:36
By

Jennylyn braless sa harap ni Derek

Petmalu na, level up pa, ang performance nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay, pati na direksyon ni Dan Villegas sa festival entry ng Quantum Films na ‘All of You’.

Lutang na lutang kasi ang galing ng dalawang bida mula sa simpleng eksena hanggang sa eksenang nagbabangayan na sila sa kalye dahil sa magkaiba nilang pananaw sa pag-ibig at kasal. Towards the end, ‘yung mga eksena nilang tahimik lang patungo sa pagtatapos ng pelikula ay classic ang dating.

Ayaw naming maging spoiler dahil, ayon kay Atty. Joji Alonso, isa sa producers ng AOU, pinag-isipan pa nila ang magiging ending ng pelikula.

Sa movie, ilang beses naikama ni Derek si Jen. Ilang beses din silang naglaplapan. Todo-bigay sa lahat ng eksena.

May eksena nga na halos topless na si Jen at ‘yun ay nu’ng magtanggal siya ng bra sa harap ng nakahigang si Derek. Habang pinanonood namin ang AOY, nakita namin sa dalawa sina Vilma Santos at Christopher de Leon sa mga pelikulang ‘Relasyon’ at ‘Broken Marriage’.

Ayon nga sa nakapanood, best performance nina Jen at Derek ang ipinamalas sa movie at ‘yung atake ni Villegas eh, kahanga-hanga. Relatable ito sa mga nag-iibigan na pinipili munang makipag-live in kesa magpakasal.

Winner din ang mga eksena ng special guests na sina Rafael Rosell, Solenn Heussaff at Sam Milby. (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?