35

Oct 20, 2019 @ 15:36
By

Jennifer Lawrence kinasal na!

Kinasal na kahapon ang American actress na si Jennifer Lawrence sa kanyang art gallerist lover na si Cooke Maroney.

Saksi ang mga kamag-anak at malalapit nilang kaibigan sa naganap na seremonya noong Oktubre 19, 2019, sa Belcourt of Newport sa Newport, Rhode Island.

Pebrero ngayong taon nang kumpirmahin ng representative ng aktres ang engagement, matapos maispatan na suot ni Lawrence ang isang tila’y engagement ring.

Unang lumabas ang mga tsismis ng pagde-date nila noong Hunyo 2018 nang makita silang magkasama sa New York City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?