122

By

Jennifer Aniston may Instagram account na, unang post patok agad

Gumawa na ng kanyang Instagram account si Jennifer Aniston.

Winelcome siya ng kanyang mga fan at ang una niyang post nitong October 15, ang reunion pic ng buong “Friends” cast.

“And now we’re Instagram FRIENDS too. HI INSTAGRAM,” sabi ni Jen sa caption ng larawan.

Ayon sa Metro report, dumating sa reunion dinner sina Matthew Perry, David Schwimmer at Lisa Kudrow kahit wala sila sa larawan na binahagi ng aktres.

Halos isang oras pa lang itong nai-post ay nakahamig na agad ng mahigit 318,000 likes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?