76

Dec 7, 2021 @ 17:29
By

Jennie ng Blackpink muling pinutakte ng basher

Kahit walang ginagawa si Jennie ng Blackpink ay marami pa ring nasasabi ang mga basher nito.

Ito ay matapos na aksidenteng ma-follow ni Taehyung, miyembro ng South Korean boy group na BTS, si Jennie.

Kamakailan lang ay sabay-sabay na gumawa ng Instagram account ang mga miyembro ng BTS.

At dito na nga aksidente na-follow ni Taehyung si Jennie, na kalaunan ay in-unfollow niya rin.

Hindi naman nakatakas sa mga mata ng tagahanga ni Taehyung ang pag-follow nito sa babaeng idolo.

Sinisi ng mga ito si Jennie dahil pakalat-kalat umano ang account nito sa Instagram.

Hindi naman ito pinalagpas ng mga supporter ni Jennie at pinagtanggol ito sa Twitter.

Ito ang ilang reaksyon ng mga fans ni Jennie sa Twitter:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?