14

Jennie ng BLACKPINK may solo debut na

Sharing is caring!

Opisyal na ang pagiging unang miyembro ng South Korean girl group na BLACKPINK na nagkaroon ng solo debut nang i-release na ang kanyang unang single na may title na ‘Solo’.

Sa music video, pinakita ng Korean idol ang iba’t iba nitong talent sa pagkanta, pag-rap, at pagsayaw ng hip-hop.

Nagkaroon na rin ng mga solo activity si Jennie sa kanyang special one-hour V live broadcast na may title na ‘All About Jennie’. Sa show, nagkaroon ng count down ang idol sa pag-release ng kanyang solo song, kasama ang kanyang mga fan, at binigyan pa niya ito ng espesyal na introduksiyon sa konsepto ng kanyang solo.

Ang solo debut ni Jennie ay bahagi ng plano ng YG Entertainment, ang agency ng BLACKPINK, para bigyan ng solo release apat na miyembro ng grupo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?