481

Mar 31, 2021 @ 21:24
By

Jennica Garcia ayaw na sa Uytingco

Umugong ang tsismis na hiwalay na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

Gusto kasi ng aktres na palitan ang pangalan niya at username sa Instagram.

Sa kasalukuyan ay Jennica Garcia Uytingco ang pangalan niya sa IG habang @jennicauytingco ang username.

Tinanong niya ang mga follower niya kung paanong papalitan ang mga iyon, gayong naka-verified na ang account niya.

“Hi Everybody! I need help. I wish to change my USERNAME and NAME here on Instagram but with every attempt, I am asked to contact support because my account is verified. When I send a support ticket, it won’t get sent, error lumalabas. Would you know to which email/contact person/contact number I should reach out to regarding my concern? SALAMAT PO!” tanong ni Jennica.

Napansin din ng mga netizen na wala nang larawan si Alwyn sa IG post ni Jennica.

Ikinasal sina Jennica at Alwyn noong February 2014. May dalawa na silang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?