Tuloy sa kanilang simple at ordinaryong pamumuhay ang mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.
Sa kanila ngang 9th anniversary ay mas pinili nilang dalawa na i-celebrate ito sa Divisoria.
Makikita sa post ni Jennica sa kanyang Instagram na sumakay ng tricycle ang celebrity couple at kumain sa food court.
“Today marks our 9th Anniversary. We celebrated it at Divisoria! Hahahaha! May mga kulang kasi para sa munti naming plant shop na @duwendeinapot. Sa unang litrato nakapag sweety sweety pa sa Tricycle dahil wala pang mga bitbit na pinamili pero ito ngayong pauwi na kami sa mga anak namin hindi na kami magkasya sa Tricycle hahaha!” sabi ni Jennica sa caption.
Kamakailan nang magdesisyon ang dalawa na manirahan na lang sa probinsiya at mag-lie low sa showbiz.