ABANTE desiderio janella elmo sweetness
By

Jenine Desidero uusok ang ilong sa sweetness nina Janella, Elmo sa Bora

Sharing is caring!

May rason si Jenine Desiderio kung bakit ganon na lang ang suklam diumano nya kay Elmo Magalona (gaya nang mga nababalitang ni ayaw niyang makita nang harap-harapan ang aktor at palagi na lang nya diumano itong pinariringgan sa mga socmed rant nya).

Ayun, buong kasal ni Maxene Magalona sa Boracay nong isang araw sweet na sweet ang dalawa.

Na-capture ng kamera ni Tim Yap at pinoste nya sa kanyang Instagram wall ang magkaholding hands na sina Elmo at Janella.

Mismong si Tim ang nagsabing sweet nga ang dalawa sa caption ng photo.

@officialtimyap, “Personally witnessing the sweetness that is @elmomagalona & @superjanella #irobyouverymaxx.

At sa IG post ni Elmo, walang dudang love na love nito sa Janella dahil sa larawang pinoste nya super-lagkit ng pagkakatitig nya sa rumored girlfriend sa photo na in-upload nya kung saan nakaupo silang dalawa sa buhangin at nakatingin lang ang aktor sa dalaga.

@elmomagalona, “The Way you Look Tonight #IRobYouVeryMaxx”.

Parehong photo ang pinoste ni Janella sa kanyang IG wall pero ang itsura ay naglalambingan na silang dalawa. Hawak-hawak ni Elmo ang kanyang ulo habang masaya siyang nakantingin sa aktor.

Sa kanyang caption, nagpahiwatig nang nararamdaman nyang pag-ibig si Janella kay Elmo.

@superjanella, “always protects, always trusts, always hopes, always persevers #irobyouverymaxx. @fmam”.

Tila kahit magalit nang buong buhay si Janine at tumutol kay Elmo, wala na itong magagawa dahil hulog na hulog na sa pagibig ang anak kay Elmo.

Wala kaming ideya kung ano ang rason nang pagtutol ni Janine kay Elmo gayong kilala naming mabait at sincere naman ang anak na ito nina Pia Arroyo at yumaong Francis Magalona.

Well, posibleng ang problema ay kay Janella at si Elmo ang binabanatan ni Janine (kung ito man ay totoo) para iparamdam sa aktor na layuan na nito ang kanyang dalaga.

Imposibleng mangyaring maghiwalay ang dalawa lalo’t wala pang plano ang Kapamilya network na paghiwalayin ang team-up nilang dalawa. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?