19

By

Jemina Sy, proud sa kanilang pelikulang The Lookout

Sharing is caring!

Muling sasabak sa pag-arte sa pelikula si Atty. Jemina Sy via the movie na The Lookout. Pero hindi lang ito basta pelikula, dahil entry ito sa Cinemalaya film festival.

Tampok sa The Lookout sina Andres Vasquez, Jay Garcia, Elle Ramirez, Rez Cortez, Yayo Aguila, Efren Reyes, Jeffrey Santos, Benedict Campos, Aries Go, Lharby Policarpio, at iba pa.

Nabanggit niyang proud siya sa pelikulang ito na showing pa rin ngayon sa CCP at ilang selected Ayala cinemas. “Of course, proud ako sa aming movie, hindi lang dahil pang-Cinrmalaya ito, kundi dahil sa mensahe ng pelikula,” pakli ni Atty. Jemina.

Inusisa rin namin ang role niya sa pelikulang ito na mula sa pamamahala ni Direk Afi Africa.

“Ang role ko sa movie ay isang NBI agent, bale best friend ako rito ng bidang babae. Ito ay isang psycho-drama movie, kakaiba ang story nito, not the typical Filipino movie,” esplika niya.

Si Andres Vasquez, maraming eksena raw na nakahubad, bakit kailangan niyang maghubad? Ikaw ba ay may sexy scene rin dito?

“Well, kasi kailangan talaga iyon sa eksena, pero ako, wala akong eksenang ganoon. Hahaha!” Nakatawang saad pa ni Atty. Jemina.

Bakit The Lookout ang title? “Kasi, kuwento siya ng taong laging nagmamasid sa kanyang biktima at mga taong pinaglalaruan niya. Pero habang ginagawa niya ‘yun, nakikita din niya ang mga masasakit na naging karanasan niya sa buhay.”

Ano ang masasabi mo kina Andres at Direk Afi?

Sagot ni Atty. Jemina, “Sina Andres at Direk Afi, pareho silang magaling, very professional sila, at pati na lahat ng co-stars sa movie na ito ay magagaling talaga.”

Unang napanood sa pelikula ang talented na lawyer/actress sa Bubog ni Direk Arlyn dela Cruz. Tapos ay sa The Barker ni Empoy Marquez, sumunod ay itong The Lookout. Kasali rin siya sa Immaculada ni Ara Mina, at Recipe For Love na pinagbibidahan ni Christian Bables.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?