31

Feb 28, 2021 @ 15:13

Jelai Andres: Good friends lang kami ni Jon

Kasalukuyang magkaibigan lang muna ngayong ang mag-asawang sina Jelai Andres at Jon Gutierrez ng Ex Battalion.

“Kami ni Jon okay naman, happy ako kasi akala ko noon, wala na kasi parang kinalimutan ko… dumating sa point na wala na ‘yung tagal naming hindi nag-uusap, hindi ko na siya pinapansin, kinalimutan ko na talaga siya, halos lagpas isang taon,” wika ni Andres sa isang panayam ng GMA.

Unti-unti naman daw umayos ang kanilang sitwasyon matapos ang kanilang break-up buhat nang magloko si “King Badger.”

“But nitong dumating ‘yung 2019, nagsisimula na ulit na nagpapansinan kami hanggang sa naging magkaibigan kami. Ngayon very casual kami and hindi rin naman siya tumitigil na ayusin. Sa ngayon friends kami and okay naman, siyempre masaya kasi paunti-unting nagiging maayos,” kuwento ni Andres.

“Malay natin, hindi natin alam kung anong puwedeng mga susunod na mangyari,” dagdag pa niya.

Magugunitang naging matunog ang couple na “JoLai” dahil sa kwelang samahan nila na ipinakikita nila noon sa kanilang vlog.


Taong 2019 nang pumutok sa social media na may iba umanong kinakasama ang rapper na nag-udyok sa kanilang hiwalayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?