48

Jan 22, 2021 @ 19:09

Jehza Huelar ginawang bola ang tiyan

Sa Instagram post ni Binibining Pilipinas Supranational 2018 Jehza Huelar, makikita ang kanyang tiyan na nagmistulang bola ng basketball.


“Hahaha! Which ‘ball’ is for basketball? What a fun, care-free maternity shoot @pjs08,” saad niya sa caption ng naturang post.

Makikita sa maternity shoot ng beauty queen ang kanyang mister na si PBA star PJ Simon.

“Here’s a preview of PBA superstar Peter June Simon and Bb. Pilipinas Supranational 2018 Jehza Huelar-Simon’s maternity shoot!

We’ll be posting the entire set soon,” dagdag pa nito.

Ikinasal sila Huelar at Simon taong 2019.

Inanunsyo ni Huelar ang kanyang pagbubuntis noong Setyembre ng nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?