93

Mar 9, 2020 @ 21:46
By

Jeffrey, Aylwyn angat sa LGBA-COTY series

Magpapatuloy ang 2020 LGBA Cocker of the Year series second leg sa Pasay City Cockpit ngayong Marso 9 tampok ang 7-bullstag derby na may premyong P1 milyon.

“Target ng mga kalahok na umabante pa sa COTY series na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000,” ani Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo.

Lamang sina Jeffrey at Aylwyn Sy ng Jam SB Sagupaan Winning Line na may 6.5 puntos nang magkampeon sa first leg noong Pebrero 28.

May 6-1 (panalo-talo) sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Nelson Uy/Dong Chung ng HMG, lawyer Jun Caparroso ng Jungle Wild at Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores na may two entries.

Dikit sina Sonny Bello/ Rommel Manalo at Carlos Tumpalan (5.5 points), Boy Gamilla, Hector Magpantay, Jimmy Gosiaco, Bok de Jesus, Dok Percy Modomo, Mel Lim, Pinggoy Lagumbay, Pros Antonio at Arnold dela Cruz (5 pts.).

Samantala, bitaw ang RCB Basilan 4–Cock Derby sa PCC sa Biyernes, Mar. 13.

Sa detalye pa, kontakin sina Erica at Ace sa 0945 4917474, 0939 4724206, 8843 1746 at 8816 6750.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?