79

By

Jeff Chan parang si Caidic – Tim Cone

Wala nang mas gaganda pa para sa isang shooter kundi ang maikumpara sa isang legendary sniper ng PBA na si Allan Caidic.

At ito ang narinig ni Jeff Chan mula lang naman sa PBA winningest coach na si Tim Cone.

“It’s nice to see Jeff out there knocking shots down. He has such a pretty shot, and it’s really fun to watch him shoot. When he gets going, he really gets you going,” ayon kay Cone matapos mapanood ang pagbabalik ng bangis ni Chan sa three-point country, apat na tres ang binuslo para sa conference-high 20 points kontra Columbian Dyip noong Biyernes.

“I watch Allan for a long time in my career. He (Chan) just has that same kind of beautiful shot, release, and swish into the net. It’s really a pretty shot,” ayon pa sa Ginebra coach.

Ngunit kahit ganito ang tinuran ni Cone, tingin niya ay hindi patas para kay “The Triggerman” ang maikumpara kahit kanino.

“No one compares to Allan because he’s special. I think what you would call Allan a freak of nature. No one can shoot the ball as freakish as he can shoot the ball,” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?