114

Oct 17, 2017 @ 15:03

Jeepney modernization, papapelan ng Kamara

Nagtakda nang pagdinig ang Kamara kaugnay ng usapin sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng Department of Transportation.

Gaganapin ang hearing sa Huwebes, October 19.

Ayon kay Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, Chairman ng House Committee on Transportation, layunin nitong malinawan ang ipinagpro-protesta ng ilang grupo ng transportasyon.

Sabi ni Sarmiento, maiging magkapaliwanagan ang gobyerno at transport groups sa isyu ng modernisasyon ng mga pampasaherong jeep.

Naniniwala ang kongresista na may kalituhan sa programa kaya umaalma ang mga driver at operators na humantong sa dalawang araw na tigil-pasada.

Nais rin anya nilang maliwanagan sa detalye ng programa lalo’t sinasabi ng mga tsuper na mawawalan sila ng hanapbuhay kapag itinuloy ang implementasyon nito.

“Palagay namin ay ang strike ay resulta ng takot ng transpo sektor na mawawalan sila ng hanapbuhay pag ipinatupad ito at kulang sa pagkakaintindi sa programang ito,” pahayag ni Sarmiento. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?