4

By

Jeepney group, may kondisyon sa P1 taas-pasahe

Sharing is caring!

Handa ang isang grupo ng mga jeepney driver at operators na ibaba sa P1 ang hinihingi nilang P2 dagdag sa minimum fare.

Pero dapat ay mas mababa pa ang importation cost at interest rates ng bagong jeepney units.

Nauna nang hiniling ng grupo, na bumibiyahe sa Marikina City at Quezon City, sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na makapagtaas sila ng P2 o maging P10 na ang minimum na pasahe bunga ng mataas na halaga ng krudo.

May hirit din sila na makasingil ng ‘rush hour charge’ para mabawi ang nawawalang kita nila tuwing naiipit sa traffic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?