62

Oct 17, 2017 @ 14:58

Jeepney drivers, pulis magkaiba ang bersyon sa transpo strike

Ipinagyabang ng isang lider ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) sa lungsod ng Paranaque na naparalisa nila ang rutang Sucat-Baclaran sa ikalawang araw ng kanilang tigil-pasada.

Ngunit sa monitoring ng Southern Police District, sinabi nitong walang ruta na naparalisa  bagamat napaulat na may pagtitipon ng 20 nagpo-protestang jeepney drivers sa Barangay San Dionisio, sa lungsod.

Ang pagkaparalisa ng Sucat-Baclaran ay ibinahagi ni Jayson Pahilagutan, bise presidente ng Piston-Paranaque.

Base pa rin sa monitoring ng SPD, may dalawang rally point sa Las Pinas, ito ay sa Zapote viaduct at SM Southmall; sa Taguig City, nagtipon ang may10 miyembro ng Piston at Kilusang Mayo Uno sa Champaca st., Western Bicutan; Sa Muntinlupa City, ay mag nag-rally sa Alabang Terminal at wala naman sa Taguig City.

Katulad sa tigil-pasada noong Lunes, 13 ruta sa lungsod ng Makati ang naparalisa at ang mga stranded na pasahero ay isinakay ng mga service vehicles ng city government, gayundin ng police trucks.

Wala naman napa ulat na insidente ng panghaharang sa anumang bahagi ng Katimugang Metro Manila. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?