18
ABANTE jeepney drivers operation subpoena
By

Jeepney driver tinodas sa drug den

Sharing is caring!

Patay ang isang jeepney driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang bahay sa Barangay 75, Tondo, Manila.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, kabilang ang biktima na si Angelo Samonte sa Drugs watchlist ng barangay at ginagamit ang kanyang bahay bilang drug dun kung saan umiiskor ang kanyang mga kliyente.

Nabatid na pinasok ng hindi pa nakikilalang salarin ang bahay ng biktima kung saan pinagbabaril ito hanggang sa mapatay.

May dalawa pang kasama ang biktima ng oras na iyon subalit hindi na mahagilap ang mga ito matapos ang krimen.

Dahil dito ay itinuturing ng persons of interests ang dalawang kasamahan nito.

Narekober sa bahay ang isang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?