285

Jul 15, 2019 @ 15:13
By

Jeepney driver nasampolan ni Isko sa pagka-cutting trip

Umarangkada na ang kampanya ni Manila Mayor Isko Moreno laban sa mga jeepney driver na mahilig mag-cutting trip matapos makahuli ang traffic enforcement unit ng isang tsuper.

Iprinisinta ng alkalde ang naarestong jeepney driver na si Willy Bajinding sa media sa Manila City Hall nitong Lunes.

Naaktuhan si Bajinding sa pagka-cutting trip at kinasuhan din ng paglabag sa “Resistance and Disobedience, and Alarms and Scandal” matapos pumalag sa pag-aresto.

“Ito po ay isa sa naaresto na nagka-cutting trip. He [also] resisted and disobeyed a person in authority and that is a violation of R.A. 4136. I hope this will be… a gentle reminder to every driver that we are very serious about this thing in putting an order in the streets of Manila,” sabi ni Mayor Isko.

Noong nakaraang linggo nang magbabala si Mayor Isko sa mga driver na huwag abusuhin ang mga mahihirap na kababayan na sumasakay ng jeep.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?