handgun

Jeepney driver, huli sa pagbitbit ng baril

Sharing is caring!

Inaresto ang isang jeepney driver matapos mahulihan ng baril sa kasagsagan ng gun ban dahil sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections period sa Sorsogon City.

Kinilala ang dinakip na si Edwin De Torres, 41, residente ng Balete village sa Bacon District.

Nahuli umano ang driver sa police checkpoint sa national highway sa Bacon District dakong alas-9:15 ng gabi.

Nakumpiska kay De Torres ang isang kalibre .40 at magazine na loaded ng siyam na bala.

Kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang inihahanda laban kay De Torres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?