34
ABANTE jeepney modernization
By

Jeep sumalpok sa puno sa Rizal: 5 patay, 10 sugatan

Sharing is caring!

Limang pasahero ang nasawi habang nasa 10 naman ang sugatan makaraang bumangga ang isang pampasaherong jeepney sa puno nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito kagabi sa Sitio Biga, Barangay Bayugo, Jala-Jala, Rizal.

Batay sa report, agad na nasawi ang driver ng jeep na si Francisco Abesamis, sakay ang kanyang misis na si Grace at tatlong pasahero na si Winnie Rodriguez at dalawang menor de edad na bata nasa edad 10 taong gulang at anim na taong gulang.

Batay sa imbestigasyon, matulin ang andar ng pampasaherong jeep na nag-overtake pa sa isang kotse subalit nasobrahan ng kabig sa manibela dahil sa paparating na trak na ikinabangga nito sa isang puno ng narra.

Isinugod sa Rizal Provincial Hospital at Jala-Jala Municipal Hospital ang mga sugatang pasahero habang dead on arrival ang limang biktima. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?