134

Sep 17, 2020 @ 20:13
By

Jed Madela nabudol sa online shopping

Sobrang nadismaya ang singer na si Jed Madela matapos dumating ang inorder niyang shelves online.

Lalagyan sana iyon ng mga art supply ni Jed pero imbes na aktuwal na shelves ay miniature nito ang dineliver sa kanya.

“When you buy things online… Wanted shelves for my paints and my art supplies…” ani Jed sa Facebook post.

Pinayuhan si Jed ng ilang fan niya na ipa-refund ang kanyang inorder.

“Grabe idol !!! Kaya mahirap talaga mag order online … lokohan yan … Dapat I-refund mo … ano sila sini-suwerte.”

 

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?