20

Jan 18, 2021 @ 17:11
By

Jeankiley sa K-Drama humuhugot ng inspirasyon

Malaking impluwensya para sa OPM artist na si Jeankiley ang umuusbong ngayong kultura sa South Korea.

Nakapanayam ni DJ Karen sa ‘Abante Radyo Tabloidista’ ang 26-anyos na singer, na bukod sa pag-awit ay isa ring English as a Second Language (ESL) teacher.

Sey ni Jeankiley, dati ay sna Christina Aguilera at Beyonce ang kanyang mga tinitingala, ngayon naman ay mga K-Pop artista na tulad ng BTS, Blackpink at mga K-indie ang kanyang pinapakinggan.

Humuhugot din siya ng inspirasyon sa kanyang mga napapanood na Korean drama, kung saan niya nakuha ang peg sa kanyang single na ‘Caramelo’.

“Mostly ang inspiration ko talaga is ‘yung mga stories sa K-Drama, dahil kaonti lang naman ang experiences ko when it comes to crushes, mga love life,” ayon sa singer.

“Yun ‘yung inspiration ko ngayon, yung kilig na nararamdaman nila, sadness, lungkot, K-Drama talaga.”

Nilarawan niya ang kanyang bagong kanta bilang isang ‘feel good song’ na pasok bilang OST o soundtrack ng mga pelikula at series.

“This particular song na ni-release ko ngayon, this will be the first time I’ll be releasing my own composition,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?