325

By

Jean Garcia, talong-talo ni Jennica bilang ina

Proud din si Jean Garcia sa anak niyang si Jennica dahil naging mabuting ina raw ito sa kanyang anak at asawa nitong si Alwyn Uytingco. Nakita raw niya kung gaano ka-dedicated si Jennica bilang ina, at nasisingit niya talaga ang sarili niya sa pag-alaga sa pamilya kahit napakarami nitong ginagawa.

“Mas magaling siya sa aking ina. Ina at asawa siya eh,” sabi ni Jean, na isa sa mga bida ng “Kambal Karibal” na magsisimula na sa November 27.

Nakita raw ni Jean kung gaano ka-dedicated si Jennica bilang ina sa anak nila ni Alwyn.

“Hands on siya talaga eh. Ako kasi single parent. Provider ako eh, nagwo-work ako. So, I feel na ang pagiging isang ina, mas magaling talaga si Jennica kasi talagang nakatutok siya,” sambit pa rin ni Jean.

Bilib din daw siya kung paano mamuhay ng simple sina Jennica at Alwyn.

“Very simple ang buhay nila eh. Wala masyadong luxuries in life, tapos kuntento sila kung ano lang meron. Hindi sila naghahangad ng sobra, pero may mga pangarap,” saad pa ni Jean.

Isa raw sa pinagkakaabalahan ngayon ni Jennica ay ang pagtuturo sa mga first-time mother, kung paano ang breastfeeding, ang tamang pag-alaga sa baby.

Pinag-enroll din ni Jean ang kanyang anak sa kursong nursing pero online. Sa Amerika raw ito, kaya madaling-araw daw nag-aaral si Jennica online dahil kailangan niyang mag-adjust sa oras doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?