258

JC Santos magiging tatay na!

Nilantad ni JC Santos na magiging tatay na siya sa walong-buwang buntis niyang asawa.

Sa press conference ng movie nila ni Bela Padilla na “On Vodka, Beers, and Regrets” nitong Huwebes, Enero 16, sinabi rin ng aktor kay showbiz columnist Allan Diones na kasal na siya sa high school crush niya.

“Sobrang thankful ako kay Lord na lahat ng dasal ko, lahat ng pangarap ko, natupad last year… Bukod doon sa career ko, ‘yung crush ko noong high school na nabasted ako 15 years ago, nagkita kami ulit at hindi ko na siya pinakawalan,” hayag ni JC.

Nang tanungin kung bakit hindi niya ito sinabi sa publiko, sey ni JC: “Hindi namin siya nilihim; wala lang nagtatanong.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?