135

By

JC Santos ginawan ng tula ni Bela

Banking sa success ng 100 Tula Para Kay Stella, muling gumawa si Direk Jason Paul Laxamana ng isang pelikula na halos kapareho ng tema nito at ang mga bida ay sina Bela Padilla at JC Santos pa rin.

Ito ay ang pelikula sa Viva Films na The Day After Valentine’s.

Pero, may kakaiba na itong twist dahil this time, si Bela naman ang gumagawa ng kanyang lyrical poems para sa kanyang ka-partner na si JC, samantalang sa 100 Tula, si JC ang nagsusulat ng mga tula para kay Bela.

Ang tema nito ay tumutumbok sa isang pantasya ng babae na nagsimula nang una silang magkakilala hanggang gawan nga niya ito ng kuwento na parang sila pero hindi naman sa totoong-buhay.

Isang malaking hamon nga ito dahil sa unang movie nila together, naging very convincing si JC sa kanyang mga binitawang dayalog na patula nga ang dating, kaya todo aral din siya upang hindi siya mapahiya.

Isang manunulat at poet na rin si Bela sa totoong-buhay, pero iba kapag ikaw na mismo ang nagbibigkas nito lalo na’t may dapat kang sundan na pattern habang sinasabi mo ito.

Well, magaling naman siyang aktres, kaya katulad ni JC, marami ang nagsasabing mani na lang ito sa kanya.

Oo nga. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?