116

By

JC Santos, gamay na katrabaho si Bela Padilla

Ngayon ang last day na mapapanood ang pelikulang “The Day After Valentine’s” na handog ng Viva Entertainment para sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ang pelikulang pinamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana ay pinagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos.

Nagtagumpay muli si Direk Jason Paul na pakiligin ang mga manonood sa pelikula niyang ito after ng 100 Tula Para Kay Stella na siya ring nagdirehe at pinagbidahan din nina Bela at JC para sa unang PPP.

Ang pelikula ay ukol sa ‘di sinasadyang pagkakaibigan o pagiging close nina Bela at JC nang biglang pumasok sa tindahan ng second hand na damit ang actor para maghanap ng arm sock. Gagamitin iyon ng actor para takpan ang mga peklat na sanhi ng pananakit niya sa sarili.

Si Lani (karakter ni Bela) ang humulma o nag-repair sa pusong durog ni Kai (JC). Dahil sa pagiging strong ng personalidad ni Lani, nahulog ang loob ni Kai. Subalit may itinatagong kahinaan din pala si Lani, durog na durog din pala ito at may malaki ring problema sa pamilya.

Anyway, kahit na naghihintay ang iba na ma-link sina Bela at JC, nilinaw naman ng aktor na walang ligawan sa pagitan nila ni Bela.

“Walang niligawan. Sobrang komportable namin sa isa’t-isa para umabot sa gano’n… I adore this person. I love this person, I respect her.’

Ipinahayag din ni JC na nagagalak siya na muling nakatrabaho rito ang aktres.

Saad ni JC sa kanyang leading lady, “Kasi, mas madali na dahil mas gamay na namin ang isa’t isa. Sabi nga ng Viva sa akin, sana mayroon kaming pelikula every year. Mas madali na iyong buhay ko kung kasama ko si Bela. Hindi ko kailangang mag-isip, kasi mahilig kaming magbigayan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?