53
abante-tnt-vismin-jc-bela
By

JC inamin, mas madali ang buhay ‘pag kasama si Bela

Idiniin ni JC Santos na hindi sumagi sa isip niya na ligawan ang kanyang favorite leading lady na si Bela Padilla kahit lagi silang magkasama sa pelikula at TV show.

Bukod pa roon, kapwa sila single at available ngayon kaya mas malaki ang chance na mahulog ang loob nila sa isa’t isa.

“Una sa lahat, ang tawag ko kay Bela ay kaps, kapatid. Wala, eh. Una sa lahat, masaya ako na kaibigan siya at ayokong i-cross iyong boundary. Nag-e-enjoy kaming dalawa sa trabaho, sa buhay at ayokong mailang siya sa akin,” sey ni JC.

Dagdag pa ng aktor, gamay na raw nila ni Bela ang isa’t isa.

“Sabi nga ng Viva sa akin, sana meron kaming pelikula every year. Mas madali na iyong buhay ko kung kasama ko si Bela. Hindi ko kailangang mag-isip kasi mahilig kaming magbigayan. At saka, sinu-surprise rin namin ang isa’t isa,” pagtatapos ni JC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?