20

Mar 5, 2021 @ 19:42
By

JC de Vera 2018 pa kasal

Ibinunyag ni JC de Vera na taong 2018 pa siya ikinasal sa kanyang non-showbiz partner na si Rikkah Cruz.

Ani de Vera sa vlog ni Erich Gonzales, nagkaroon sila ng isang civil wedding ni Cruz noong 2018.


Aniya, plano sana nilang magkaroon ng mas malaking kasal ngunit nagkaroon ng pandemya.


“Ang nangyari kasi diyan dapat inuna talaga namin yung civil wedding tapos lumabas si Lana then right after lumabas si Lana dapat mag-church wedding na kami, eh nagka-pandemic so na-move ulit sometime this year,” sambit niya.


May una nang supling ang mag-asawa na si Baby Lana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?