34
ABANTE judicial and bar council jbc
Jan 16, 2018 @ 19:18

JBC pinabubuwag sa federal charter

Inirekomenda ng House subcommittee na buwagin na ang Judicial and Bar Council (JBC) sa panukalang federal charter.

Sa panukala ng Subcommittee 2 ng House Committee on Constitutional Amendments, pinabubura ang probisyon sa 1987 Constitution tungkol sa JBC.

Sa ilalim ng kasalukuyang Saligang Batas, ang JBC ang may mandato na mag-nominate ng mga itatalaga sa Judiciary.

Pero sa mungkahi ng subcommittee 2, ang kapangyarihan na mag-nominate ng mga miyembro at opisyal sa Judiciary ay ibibigay na sa Prime Minister na magsisilbing head of state.

Kabilang rin sa proposals ng Subcommittee 2 ang pagtatatag ng Regional Court of Appeals sa 5 rehiyon at pagbaba ng retirement age ng mga miyembro ng Korte Supema at mga hukom sa lowers courts mula 70 sa 65 years old. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?