42

Nov 27, 2021 @ 16:06
By

Jazz pinaiyak ni Graham, Pelicans wagi

Ibinaon ni Devonte’ Graham ang isang three-pointer may 1.3 segundo na lamang sa laro upang ibigay sa New Orleans Pelicans ang 98-97 panalo kontra Utah Jazz ngayong Sabado.

Lamang ang Jazz, 97-95, bago napunta sa Pelicans ang bola at hindi naman sinayang ni Graham ang pasa ni Brandon Ingram para ipanalo ang kanyang koponan.

Tumapos lamang si Graham ng may siyam na puntos, ngunit sa kanya nanggaling ang pinakaimportanteng iskor sa naturang laban.

Nanguna para sa Pelicans si Ingram na may 21 points, habang nagdagdag si Nickeil Alexander-Walker ng 15 points.

Bumida naman para sa Jazz si Bojan Bogdanovic sa kanyang 23 points, habang maalat ang naging shooting ni Donovan Mitchell bagamat nakasikor pa rin ito ng 16 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?