37
mitchell1
Apr 28, 2018 @ 14:40

Jazz pasok na sa semis; iginapos ang Thunder 96-91

Nagsalansan si Donovan Mitchell ng 38 puntos at tinalo ng Utah Jazz ang Oklahoma City Thunder 96-91 sa Game 6 para humakbang sa Western Conference semifinals.

Nanguna sa Thunder si Russel Westbrook sa kanyang 46 puntos habang may 19 puntios at 16 rebounds si Steven Adams.

Nagpalitan ng iskor ang rookie na si Mitchell at ang dating MVP na si Westbrook subalit namayani ang Jazz para kaharapin ang top-seed Houston Rockets sa semis na magsisimula sa Linggo.

Nag-ambag sa Jazz si Derrick Favors ng 13 puntos, may 12 points at 13 rebounds si Rudy Gobert. Hindi nakapaglaro ng todo si Ricky Rubio matapos magkaroon ng hamstring injury sa first quarter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?