By

Jazz lusot sa kulang sa taong Spurs

Sharing is caring!

WALA nang Kawhi Leonard at Rudy Gay, nalagasan pa ang San Antonio nang madagdag sa injury list si LaMarcus Aldridge.

Tuloy, pinagbayad ng Utah ang Spurs 101-99 sa 72nd NBA 2017-2018 elims game Lunes ng gabi sa Salt Lake City.

Leading scorer at rebounder ng San Antonio si Aldridge, pero out kontra Jazz dahil sa nananakit na tuhod.

Umiskor si Donovan Mitchell ng 25 points kabilang ang go-ahead pull-up jumper 39 seconds na lang at kinolekta ng Jazz ang pang-10 sunod na panalo. Hottest team sa NBA sa kasalukuyan ang Utah (29-28) at humahabol sa playoffs.

Umayuda ng 20 points, seven rebounds at five assists si Joe Ingles sa Jazz.

May 15 points, 15 rebounds si Pau Gasol sa Spurs, nagdagdag ng 16 points si Kyle Anderson.

Sa third quarter, nagkasa ng 11-1 run ang San Antonio para agawin ang manibela 66-61 bago inilayo sa 83-70 9 ½ minutes sa laro.

Pero dahan-dahang nakabalik ang Utah at tumabla sa 87 sa 3 ni Mitchell kulang 5 minutes pa.

Nagpalitan ng baskets ang dalawang teams mula roon, hanggang ibaon ni Mitchell ang panelyong tira.(VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?