9

May 6, 2021 @ 12:42
By

Jazz balik sa tuktok! 30 points ni Clarkson tumaob sa Spurs

Walang naging sagot ang San Antonio Spurs kontra sa kamandag ni Jordan Clarkson sa kanilang laban nitong Huwebes, oras sa Pilipinas.

Kumamada ng 30 points si Clarkson para pangunahan ang Utah Jazz sa 126-94 win kontra Spurs.

Umabot pa nang hanggang 41 points ang kalamangan ng Jazz, na pinalasap sa Spurs ang ikalimang sunod na talo.

Balik naman sa tuktok ng Western Conference standings ang Jazz tangan ang 48-18 win-loss record, inungusan muli ang Phoenix Suns na natalo naman sa Atlanta Hawks, 103-135.

Bukod kay Clarkson, gumawa din ng 24 points si Bojan Bogdanovic, habang nawalan naman ng saysay ang 15 markers ni Luka Samanic para sa Spurs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?