21

Jan 10, 2021 @ 21:25
By

Jayson Tatum naka-quarantine

Isasailalim ang Boston Celtics star forward na si Jayson Tatum sa quarantine sa loob ng 10 o higit pang araw.

Hindi naman dinetalye kung nagpositbo si Tatum sa Covid-19 o kung may naka-close contact ba itong Covid-positive na pasyente.

Binalya ng Celtics ang Washington Wizards sa iskor na 116-107, kung saan ang 32 puntos ay mula kay Tatum, noong Biyernes, Enero 8.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?