25

May 15, 2021 @ 14:56
By

JayR Reyes nagretiro na sa PBA

Nagretiro na mula sa paglalaro ng basketball si PBA journeyman JayR Reyes.

Si Reyes, 36-anyos, ay huling naglaro para sa Phoenix Super LPG nitong huling PBA bubble season bago maisipan ang pagreretiro.

“It has been a truly blessing to be able to devote more than half of my life to my first love. Now, I’m announcing my retirement from basketball,” pahayag ni Reyes.

Nagsimula ang karera ni Reyes sa liga noong 2006 kung saan isa siyang direct hire ng noo’y expansion team na Welcoat Dragons, na ngayo’y Rain or Shine na.

Sa Welcoat/Rain or Shine nagpasiklab ang 6’7 power forward kung saan naging parte siya ng All-Rookie Team noong 2007 at ng Mythical Second Team sa parehong taon.

Mula rito ay naglaro rin si Reyes sa Air21, Alaska, Meralco, Ginebra, San Miguel at Columbian.

Naging mabunga ang karera ni Reyes matapos magwagi ng apat na kampeonato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?