88

Jun 24, 2019 @ 15:24
By

Jaymalin mag-eensayo sa Canada

Matapos masungkit ang kampeonato sa Batang PBA 15-and-under category para sa NLEX Road Warriors, tutungo naman si Liam Jaymalin sa Canada sa susunod na buwan para mag-ensayo at i-improve pa ang kanyang basketball skills.

Malaking tulong si Jaymalin sa kampanya ng NLEX sa Batang PBA kung saan isa siya sa mga key player ng koponan laban sa TNT KaTropa 102-85 sa kanilang championship game.

Nakatakdang umalis si 14-year-old Jaymalin sa Hulyo 3 tungong Vancouver.

Naka-enroll narin ito at inaasahan na magiging bahagi ng basketball team ng St. Patrick Regional Secondary School bilang Grade 9 student.

Naging parte si Jaymalin ng La Salle Antipolo basketball team.

“He’ll study and train in Canada, hopefully for a better career in basketball,” wika na kanyang ama na si Rjay Jaymalin, isang businessman sa Vancouver.

Kwento nito, “Since all of us are already here, including his three siblings who are all Canadian citizens, we decided to bring Liam to study here and at the same time be able to train.”

“Here, as parents, we’ll be able to guide him and see his progress as a basketball player. Our hope is if he returns to our country, he’ll comeback as a better player,” dagdag pa ng ama nito na naglaro sa Mapua at Jose Rizal University noong college.

Lumahok rin si Jaymalin ng ilang training camps kasama na ang National Basketball Training Center (NBTC), Jr. NBA at Alaska Power Camp kung saan dalawang beses ito naging Most Valuable Player.

Ilan naman sa iniidolo ni 5-foot-7 Jaymalin sina Barangay Ginebra San Miguel guard Scottie Thompson at Milwaukee Bucks superstar Giannis Antetokounmpo.

“I hope to one day play in the professional league like my idols. I’m looking forward to improving my skills in Canada and when the time comes for me to comeback, it’ll help me compete against the best players in the country. I don’t know what the future holds but I’ll put in the hardwork in training and in every game,” pahayag ni Jaymalin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?