432

Dec 26, 2017 @ 17:48

Jayjay Helterbrand na-touch sa jersey tribute ni Caguioa

Naantig ang puso ni Jayjay Helterbrand sa pagsuot ni Mark Caguioa ng dating jersey niya na No. 13 sa Barangay Ginebra, sa Christmas Day game ng Gin Kings at Magnolia Hotshots sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Naglaro suot ang jersey No. 13 si Caguioa imbes na ang No. 47 na uniporme niya.

Ayon kay Caguioa, ito’y bilang pagbibigay ng karangalan sa partner niya sa Ginebra na nagretiro sa papatapos na season ng nakaraang taon sa edad na 40.

Naglaro ng 17 na taon sa crowd-favorite si Helterbrand bago nagdesisyon na magretiro.

Alam umano ni Helterbrand ang balak na ito ni Caguioa at na-shock umano siya pero na-touch sa gesture nito, ayon sa Spin.ph.

Samantala, naitala naman ng Christmas Day doubleheader ng Ginebra-Magnolia at NLEX-GlobalPort ang pinakamababang bilang ng nanood sa Philippine Arena.

Sa official attendance nito, nasa 22,531 ang nanood sa pamaskong handog ng PBA.

Mas maliit ito kumpara ng Christmas Day games ng nakaraang taon sa parehong venue kung saan nanalo ang Kings, 86-79.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?