657

Jul 6, 2020 @ 16:34
By

Jay Sonza nagsalita sa ABS-CBN franchise hearing, mga netizen umalma

Patawa raw ang Kamara dahil matapos imbitahin ang kolumnistang si Jobert Sucaldito ay ang dating broadcaster naman na si Jay Sonza ang ginawang resource person sa pagdinig sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Giit nila, pawang mga “bitter” ang dalawa sa ABS-CBN.

Kabilang sa tinalakay ni Sonza sa pagdinig ang diumano’y biased reporting ng ABS-CBN.

Nag-trending ang pangalan ni Sonza ngayong Martes.

“Una si Jobert Sucaldito ngayon si Jay Sonza naman baka gusto nyo po mag invite din kayo ng mga nagtratrabaho na kontento at gusto ibalik ang abs wag yung puro bitter sa abs pinapatawag nyo!!!,” sey ni @frendreyes101.

“At sa dinami-dami ng credible na news personalities dito sa Pilipinas, si Jay Sonza talaga ang RESOURCE PERSON? Bakit? Para tama na naman kayo?” comment ni @PrincessFrance.

“After Jobert Sucaldito, they invite Jay Sonza! Clowns are invited to the party to make the guests happy,” ani @macbuenafe. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?